Suspek sa pagpatay sa mag-iina sa Romblon dinamba ng otoridad

Suspek sa pagpatay sa mag-iina sa Romblon dinamba ng otoridad

February 1, 2022 @ 10:02 AM 8 months ago


ROMBLON – Naaresto ng pulisya ang isa sa suspek na pumatay sa isang ina at dalawa niyang anak sa loob mismo ng kanilang bahay sa bayan ng San Jose nitong Enero 28.

Sa ulat ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) police office, tinadtad ng saksak ang mag-iinang kinilalang si Wielyn Mendoza, 29, single mother, at mga anak na sina TJ, 9, at JB, 7, noong Enero 26 sa kanilang bahay sa Sitio Upper Hinulugan sa Barangay Poblacion.

Kinilala naman ang nahuling suspek na si Patrick Cahilig, 35, ay isa sa apat na ikinokonsiderang “persons of interest” ng San Jose police.

Positibong kinilala si Cahilig ng isang saksi na kinilala naman ng pulisya na si Charlie Seraspi.

Ani Seraspi na nakitulog siya sa bahay ng biktima na kanyang kamag-anak at kapitbahay matapos na pare-parehong dumalo sa kaarawan ng kapitbahay.

Giit ni Seraspi na nagising umano siya bandang ala-una ng madaling araw sa ingay ng kandado at nakita si Cahilig. Aniya hindi niya ito pinansin at agad na natulog din.

Pagkatapos nito, ginising na lamg umano siya ng kanyang mga kapatid at sinabing patay na nga ang mag-iina, dagdag pa sa progress report.

Giit ni Seraspi na nakilala niya ang suspek dahil si Cahilig ang live-in partner ng kanyang ina.

Ayon sa ulat ng pulisya, hindi agad siya nakasumpa ng kanyang salaysay dahil sa takot sa kanyang seguridad.

Sinabi naman ni Police Major Loreto Maulion, Mimaropa police public information office chief, na hindi pa umaamin ang suspek kaya hanggang ngayon ay nahihirapan silang madetermina ang motibo.

Pero, sa ulat naman ng San Jose police na ang suspek ay sinasabing trabahador sa ginagawang bahay ng biktima, pero sinibak umano ito bago nangyari ang patayan.

Hindi naman na isinapubliko ng pulisya ang tatlo pang suspek sa krimen. RNT