Suspek sa pagpatay sa Ombudsman prosecutor, patay sa pang-aagaw ng baril

Suspek sa pagpatay sa Ombudsman prosecutor, patay sa pang-aagaw ng baril

July 28, 2018 @ 2:08 PM 5 years ago


Quezon City – Dead on arrival sa East Avenue Medical Center ang suspek sa pamamaslang kay Ombudsman Assistant Special Prosecutor Madonna Joy Tanyag matapos itong magtangkang mag-agaw ng baril sa kanyang mga police escort sa Camp Karingal, Sabado (July 28) ng umaga.

Sa inisyal na impormasyon ng Quezon City Police District Office (QCPD), nakatakdang ililipat sana sa Quezon City Jail si Angelito Avenido Jr., matapos ang booking procedure sa Camp Karingal.

Pero habang nasa second floor sila, kasama ang lima pang mga inmate, bigla itong nagtangkang mang-agaw ng baril na dahilan para agad siyang paputukan.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang suspek sa pagitan ng kanyang leeg at baba.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagwang imbestigasyon sa pangyayari.

Naaresto si Avenido noong June 4 kasunod ng pananaksak at pagpatay kay Tanyag. (Remate News Team)