Suspek sa pagpatay sa Trece Martires vice mayor, nalambat!

Suspek sa pagpatay sa Trece Martires vice mayor, nalambat!

March 13, 2023 @ 11:48 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nahuli ng mga awtoridad ang suspek sa 2018 murder ni dating Trece Martires City Vice Mayor Alexander Lubigan.

Kinilala ng Cavite Police Provincial Office ang suspek na si Ariel Fletchetro Paiton alyas Dagul and Labuyo, sa Antipolo, Rizal, noong March 10, matapos ang limang taong pagtatago.

Sa pagkakasa ng arrest warrant, binaril ni Paiton ang mga operatiba sa pagtatangka niyang tumakas, dahilan para paputukan din siya ng mga pulis. Nagtamo ng tama ng bala ang suspek sa kanyang kaliwang balikat.

Narekober ng mga pulis ang caliber 45 na baril at kargadong magazine.

Dinala ang suspek sa ospital at kalaunan ay inilipat sa Trece Martires City Police Station (CPS).

Nahaharap su Paiton sa kasong murder, frustrated murder, at illegal possession of firearms.

Noong July 7, 2018, pinatay si Lubigan sa Trece-Indang Road sa Barangay Luciano sa Trece Martires.

Ibinahagi ng asawa ng pumanaw na vice mayor, si Trece Martires Mayor Gemma Buendia Lubigan, ang police report sa Facebook.

“I’ll never lose my faith in You Oh Lord! Salamat po sa lahat ng mga taong naging instrumento,” saad sa post ng alkalde. RNT/SA