Suspek sa pagpatay tabloid reporter nadakip

Suspek sa pagpatay tabloid reporter nadakip

July 14, 2018 @ 4:41 PM 4 years ago


Quezon City – Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang pangunahing suspek sa pagpatay sa tabloid reporter at radio commentator na si Joaquin “Jun” Briones sa Masbate kahapon ng umaga Hulyo 13, 2018 (Biyernes) sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Antonio Del Rosario alias “Ronnie/Panoy” ay nadakip ng mga awtoridad sa loob ng isang fast food chain sa Visayas Avenue sa Quezon City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Masbate RTC Branch 44.

Si Del Rosario ay nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) Masbate at Quezon City Police District (QCPD) pangunahing suspek sa pagpatay sa mediaman na si Briones kolumnista na naka base sa Metro Manila ng pahayagang  Remate

Ayon sa ulat si Del Rosario ay pinaniniwalaang miyembro ng “Sako” isang criminal gang na ang lakad ay robbery holdap at gun-for-hire group. Ipinalalagay rin na isa siyang number one most wanted person na nasa listahan umano ng criminals  ng Balud Municipal Police station sa Masbate.

Subalit itinanggi naman ni Del Rosario ang kanyang pagkakasangkot sa naturang krimen at iginiit na nasa Manila siya nang maganap ang pangyayari at nakahanda umano siyang patunayan na wala siyang kinalaman sa krimen.

Ikinatuwa naman ng Presidential Task Force on Media Security ang pagkakadakip kay Del Rosario at sinabing magkakaroon na ng hustisya ang pagkamatay ni Briones.

Magugunitang apat na tama ng bala ng baril ang kumitil sa buhay ni  Briones nitong nakalipas na Marso 2017 at ipinalalagay na ang pagpatay ay dahil sa kanyang kritisismo sa mga illegal fishing, illegal na sugal at illegal drug trade sa naturang lalawigan. (Santi Celario)