Suspek sa pamamaslang kay Sudipen Mayor Buquing, naaresto

Suspek sa pamamaslang kay Sudipen Mayor Buquing, naaresto

October 10, 2018 @ 3:36 PM 4 years ago


 

La Union – Hawak na ng pulisya ang suspek sa pananambang sa mayor ng Sudipen na si Alexander Buquing at asawa nitong si Vice Mayor Wendy Joy Buquing.

Ayon kay Senior Supt. Ricardo Layug, nasa kustodiya na nila ang isang Rosendo Sibayan na tinukoy umano ng mga witness.

Nahuli si Sibayan dahil sa illegal possession of firearms nang makunan ng 5 bala at isang basyo ng bala ng M16 na tumugma sa mga narekober basyo sa lugar kung saan pinagbabaril ang alkalde.

Itinanggi naman ni Sibayan ang alegasyon at sinabing hindi siya ang may-ari ng mga nakuhang basyo ng bala sa kanya.

Ikinasawi ng alkalde ang pananambang noong linggo matapos sanggain ang balang tatama sa asawang si VM Buquing na siyang pumalit na sa kanyang posisyon.

Bukod sa alkalde, patay rin sa pananambang ang kaniyang bodyguard at driver.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Balaoan Police Station si Sibayan habang hinihintay ang pagsasampa ng complaint ng asawa ng pinaslang na mayor ng Sudipen. (Remate News Team)