Suspek sa pananaksak sa 71-anyos na Pinoy sa California, huli na

Suspek sa pananaksak sa 71-anyos na Pinoy sa California, huli na

December 8, 2021 @ 8:15 AM 10 months ago


CALIFORNIA – Kulong na ang suspek sa pananaksak sa 71-anyos na Pilipino sa El Cajon, noong nakaraang buwan matapos ang isang high-speed chase, ayon sa isang US news report.

Iniulat ng ABC 10 News San Diego na ang suspek na kinilalang si Israel Valdivia, 24, ay nagnakaw ng kotse sa Abilene, Texas, at nawalan ng kontrol habang hinahabol ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya na mayroong multiple violent crimes na ang suspek sa kanyang rekord at napag-alaman din na siyang suspek sa pananaksak kay Jose Serra na naglalakad lang papunta sa kanyang trabaho noong Nobyembre 3.

Nagtamo ng mga saksak si Serra sa kanyang kamay, tsyan, at sa likod ng ulo.

Nakahinga naman ng maluwag si Serra, na kalalabas lang ng ospital, dahil sa pagkakahuli ng suspek, at umaasang makakamtan ang hustisya. RNT