Suspek sa Salilig hazing, natagpuang patay

Suspek sa Salilig hazing, natagpuang patay

March 3, 2023 @ 7:32 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isa sa mga salarin sa brutal na hazing ng Tau Gamma Phi na ikinamatay ni Adamson University engineering student John Mathew Salilig kamakailan sa Binan, Laguna.

Kinilala lamang sa alyas na Akman ang suspek na nakitang patay sa kanilang bahay.

Hinihinalang nagpakamatay si Akman, posibleng dahil sa takot at konsensya sa kinasangkutang krimen.

Ayon sa impormasyon, si Akman ang nagsilbing drayber ng gray na Mitsubishi Adventure na pinagsakyan sa biktima kung saan siya binawian ng buhay dahil sa hazing.

Sa halip dalhin sa ospital, nagtungo ang mga suspek sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite sakay sa Mitsubishi saka sinunog at inilibing sa mababaw na hukay si Salilig.

Wala pang ibinibigay na pahayag sa pulisya ang pamilya ni Akman. Nats Taboy