Suspek sa Tacurong bus bombing tukoy na

Suspek sa Tacurong bus bombing tukoy na

November 11, 2022 @ 9:10 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Natukoy na ng pulisya ang nasa likod ng pagpapasabog ng isang bus sa Tacurong City, Sultan Kudarat noong Linggo, Nobyembre 6.

Sa ulat ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, regional director ng Police Regional Office 12, na ayon na rin sa nakalap na impormasyon ng Special Investigation Task Group mula sa mga saksi, ang naturang suspek ay sumakay sa bus sa bahagi ng Buluan, Maguindanao.

Hindi pa pinangalanan ang suspek ngunit kinasuhan na ito ng paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020 nitong Huwebes, Nobyembre 10 sa City Prosecutor’s Office.

Kaugnay nito, hinigpitan pa ng PNP ang pagbabantay sa seguridad ng mga residente sa buong rehiyon.

Matatandaan na ang pagpapasabog sa Yellow Bus Lines nitong Linggo ay nagresulta sa pagkasugat ng 11 katao at mayroon pang isa na nasawi. RNT/JGC