Suspension order vs. Berjaya Hotel pinagtibay ng DOT; ginawang 2 buwan

Suspension order vs. Berjaya Hotel pinagtibay ng DOT; ginawang 2 buwan

January 26, 2022 @ 6:16 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinagtibay ng Department of Tourism (DOT) ang suspensyon ng akreditasyon ng Berjaya Makati Hotel.

Kaugnay ito ng hindi pagsailalim sa quarantine ni ‘Poblacion Girl’ sa naturang hotel.

Sa ‘notice of resolution’ noong Enero 19, sinabing napatunayan na ang hotel ay “liable for violation of government health and safety protocols.”

Samantala, binawasan naman ng DOT ng isang buwan ang suspensyon at ginawa na lamang ng dalawang buwan.

Maaalalang tinanggal din ng DOT ang permit ng Berjaya na maging multiple-use hotel. RNT/FGDC