Suspensiyon ni Yu iaapela ng Letran

Suspensiyon ni Yu iaapela ng Letran

December 13, 2022 @ 6:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nais ng Letran na iapela ang kaso ni Fran Yu sa NCAA Management Committee.

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source na  malapit sa sitwasyon na ang Knights, sa pangunguna ng kanilang kinatawan na si Fr. Vic Calvo, ilalapit ang malupit na parusa laban sa kanilang senior guard.

Na-eject si Yu sa kalagitnaan ng second quarter ng Game Two ng NCAA Season 98 seniors basketball finals noong Linggo dahil sa pag-elbow sa St. Benilde forward na si Mark Sangco.

Pinatawan siya ng disqualifying foul at automatic one-game suspension — ibig sabihin ay lalabas siya kapag nilaro ng Knights ang Blazers sa Game Three sa Linggo sa Ynares Center sa Antipolo.RCN