Suspensiyon sa 4 ERC officials, sa Lunes ipatutupad – Devanadera

Suspensiyon sa 4 ERC officials, sa Lunes ipatutupad – Devanadera

July 7, 2018 @ 1:12 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Sa Lunes na nakatakdang ipatupad ng  Energy Regulatory Commission (ERC) ang suspensyon ng apat nitong mga commissioners.

Ito ang inanunsiyo ni ERC chairperson Agnes Devanadera kasunod ng inilabas na memorandum kahapon ni Executive Sec. Salvador Medialdea para agad na ipatupad ang suspension order ng Ombudsman kontra sa nasabing mga opisyal na inisyu noon pang Mayo 18.

Simula sa Hulyo 9 ay hindi susuwelduhan sa loob ng tatlong buwan sina ERC Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Magpale-Asirit at Geronimo Sta. Ana matapos mapatunayang guilty sa reklamong Simple Neglect of Duty laban sa kanila.

Dagdag pa ni Devanadera na dalawa sa mga suspendidong ERC officials ay magreretiro na sa araw ng Martes. (Remate News Team)