Minority solons: Pagtatalaga ng mas maraming jeep, bus makatutulong sa mga commuter, ‘di cable cars

August 10, 2022 @6:45 PM
Views:
1
MANILA, Philippines- Kailangang ayusin ng pamahalaan ang mga hamon sa mass transportation sa pagtatalaga ng public utility vehicles gaya ng jeep at bus sa halip na cable cars, ayon sa minority lawmakers sa Kamara nitong Miyerkules.
Ito ang panawagan nina Gabriela party-list Representative Arlene Brosas at Agri party-list Representative Wilbert Lee bilang tugin sa pahayag ni Senator Robin Padilla na gumamit ng cable cars upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
“Hindi n’un masosolusyunan ang problema natin sa pagkakaroon ng mass transport system na mahusay. Ang kailangan talaga mabuksan ang mga sasakyan, mabuksan ang mga prangkisa ngayon, makabyahe ang jeepneys, bus, iyon ang kailangan ngayon. Hindi cable car,” sabi ni Brosas.
“They even told us before that electric bus…masosolusyunan raw ang problema, nasolusyunan ba ngayon? Lalong humaba ang pila sa MRT, LRT, hirap na hirap tayo makipag-unahan sa mga jeep na kakaunti ang nakakabyahe hanggang ngayon,” dagdag niya.
Inihayag din ni Brosas na kinakailangan ng cable car ng karagdagang resources, mas mainam na gamitin ang pondo para rito sa pagsasaayos ng kasalukuyang mass transport vehicles.
“Bakit hindi muna solusyunan na mapabyahe ‘yung mga hindi nakakabyahe ngayon na mass public transport?” aniya.
Sinabi naman ni Lee na ang pagtulong sa public utility drivers at operators ang pinakamainam na paraan upang makausad.
“We should heed the call of the jeepney drivers and operators who are yet to ply the roads,” ayon pa kay Lee.
Sang-ayon naman dito si Marissa del Mar ng OFW party-list.
“This is not the time for cable car. There are a lot of other problems that we should be addressing,” giit niya. RNT/SA
Batas vs vote-buying, vote-selling oks sa Comelec

August 10, 2022 @6:30 PM
Views:
12
MANILA, Philippines- Suportado ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpasa ng HB No. 1709 o mas kilala bilang “An Act Defining and Declaring Vote-Buying as a Heinous Crime”, na isinusulong ni Malasakit at Bayanihan Rep. Anthony Golez, Jr.
Sa ilalim ng batas, ang election offense na vote-buying ay itataas bilang isang heinous crime o karumaldumal na krimen at itataas din ang kaparushan na magiging twenty (20) hanggang forty (40) years na pagkakakulong.
Inirekomenda rin ni Garcia na marebisa ang Section 261 ng Omnibus Election Code.
Dapat din ani Garcia na ma-update ang kahulugan ng vote-buying at vote-selling para makasabay sa pagbabago ng panahon at sitwasyon.
Ayon kay Garcia , kabilang rito ang pagsama ng mga katagang vote-buying/selling via online o over-the-air fund-transfers, internet cash transmittals at iba pang katulad na pamamaraan.
Naniniwala si Garcia na ang pag sasaayos ng depinisyon ng vote buying at selling ay mag bibigay daan sa mas maayos na imbestigasyon na magreresulta sa epektibong prosekyusyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
PPP projects sa LGUs, suportado ni Angara

August 10, 2022 @6:15 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Todo ang suporta ni Senador Sonny Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa local government units (LGUs) na makipagtulungan sa pribadong sektor para sa development projects na magsisilbi sa kani-kanilang constituencies.
Bilang chairman ng Senate committee on finance, sinabi ni Angara na mas maganda n ang pumaloob ang LGUs sa public-private partnerships dahil nananatiling mababa ang koleksiyon ng pamahalaan sa buwis at kasalukuyan pang bumabangon ang ekonomiya mula sa epekto ng pandemya.
“Continuing the development of infrastructure projects is crucial during this period of economic recovery. These projects are key to generating jobs for our people and inducing more economic activity,” ayon kay Angara.
Aniya, malikhain ang timing ng panawagan na pawang maingat na pamamaraan sa pagpopondo ng public projects na makabubuti sa mamamayan.
Partikular na inihalimbawa ni Angara ang aral na natutunan sa lease agreement sa pagitan ng SM Prime Holdings Inc. at city government ng Iloilo City, sa pamumuno ni Mayor Jerry Treñas, para sa pagpapaunlad ng Central at Terminal Markets.
Pumaloob ang city government ng Iloilo sa 25-taong lease agreement sa SM Prime Holdings Inc., para sa pagpapaunlad ng dalawang palengke na mabebenepisyuhan ang mahigit 2,800 market vendors.
Nangako ang SM Prime Holdings na maglalaan ng P3 bilyong para sa proyekto kaya ang resulta ng PPP na ito , hindi gagastos anuman ang city government.
Mananatili sa pamamahala ng city government ang naturang palengke sa pamamagitan ng Local Economic Enterprise Office.
“A PPP that strikes a balance between public welfare and fiscal responsibility, and of bringing convenience to its users without bloating public debt that they might end up paying for in the end. Such type of financing will allow LGUs to leverage their resources and punch above their weight,” ayon kay Angara.
“Done right, PPPs will end up being a win-win for both the LGU beneficiaries and the private sector partner,” diin niya.
Kamakailan, nakipagpulong ang mga opisyal ng League of Cities of the Philippines noong nakaraang linggo sa Pangulo na humihikayat sa LGUs na buksan ang posibilidad ng PPPs.
“The traditional sources – through the national budget, local revenues – must be expanded. And PPP has been proven to be a viable option,” ani Angara.
“PPPs will ensure that vital projects in the pipeline will be implemented in spite of challenges in public financing,” patapos niya. Ernie Reyes
P3.4M shabu nadiskubre ng PCG working dog sa Zambo

August 10, 2022 @6:00 PM
Views:
21
MANILA, Philippines- Natuklasan ang kabuuang P3.4 milyong halaga ng shabu ng Philippine Coast Guard (PCG) working dog sa isang cargo area sa Zamboanga City.
Batay sa ulat, nadiskubre ng PCG working dog na si “Bunny” ang 500 gramo ng shabu na may tinatayang market value na P3.4 milyon sa isang cargo area ng airline company nitong Lunes.
Sinabi na PCG na ang nag-ship ng nabanggit na kontrabando ay si Farhana Maddih mula sa Basilan at umano’y ipadadala kay Dayana Ismael ng Quezon City.
Batay sa Coast Guard, nai-turn over na ang package sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IX para sa imbestigasyon at proper disposition.
Inasistihan din ng Philippine National Police (PNP) ang PCG K9 Field Operating Unit Southwestern Mindanao sa pagsasagawa ng operasyon. RNT/SA
Pagpapaliban ng 2022 BSKE sa Disyembre 5, gawing prayoridad – sens

August 10, 2022 @5:48 PM
Views:
32