Suspensyon ng disconnection sa MECQ, granular lockdown areas tuloy – Meralco

Suspensyon ng disconnection sa MECQ, granular lockdown areas tuloy – Meralco

September 7, 2021 @ 7:10 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Mananatiling suspendido ang  Manila Electric Co. (Meralco) ang service disconnection activity sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang katapusan ng Setyembre.

Partikular na rito ang mga lugar ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at Lucena City sa Quezon na nasa ilalim ng MECQ Mula Setyembre 8 hanggang 30.

Para sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns, tiniyak naman ng Meralco na magiging considerate sa pagbibigay ng palugit.

 “Given the heightened restrictions still being implemented during the month of September, we continue to take into consideration the challenges our customers are facing amid these difficult times,” lahad ni Ferdinand Geluz, Meralco first vice president at chief commercial officer.

“We hope our continued consideration will ease the burden of our customers, providing additional time for them to settle their bills.” RNT/FGDC