Suspensyon ng klase, trabaho inanunsyo sa Cagsawa festival

Suspensyon ng klase, trabaho inanunsyo sa Cagsawa festival

February 26, 2023 @ 1:39 PM 4 weeks ago


ALBAY – Inanunsyo ng lokal na pamahalaan na suspendido ang pasok sa mga opisina ng pamahalaan at pasok sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa bayan ng Daraga, Albay sa Martes, Pebrero 28.

Ito ay dahil sa nakatakdang pagtatapos ng Cagsawa Festival sa nasabing bayan.

Ayon kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo, layunin ng suspensyon na makilahok ang publiko sa mga aktibidad ng kapistahan at masaksihan ang Cagsawa Festival Street Presentation, isa sa mga highlights nito.

Magsisimula ang paraga sa Daraga covered court patungo sa Bicol University Sports Complex.

Nagsimula noong Pebrero 1 ang Cagsawa Festival kasama ang mga aktibidad katulad ng sports events, musical at dance competitions, fashion show, beauty pageants at iba pa.

Ang month-long festival ay paraan upang gunitain ang marahas na pagsabog ng bulkang Mayon noong 1814 na sumira sa pamosong Cagsawa Church. RNT/JGC