SUSPENSYON NG PAGTAAS NG PHILHEALTH CONTRIBUTION, GUMULONG NA SA KAMARA

SUSPENSYON NG PAGTAAS NG PHILHEALTH CONTRIBUTION, GUMULONG NA SA KAMARA

February 1, 2023 @ 1:37 PM 2 months ago


Noong Disyembre 2022, ipinaliwanag ni Rey Baleña, senioor manager, Corporate Communications Department ng PHILHEALTH o Philippine Health Insurance Corporation na mahalaga ang muling pagtataas ng premium contribution para sa expansion ng primary health care benefit package na pinakikinabangan naman ng mga miyembro.

Sa pagpasok ng bagong taon 2023suspendido na ang nakatakdang premium hike ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) matapos magbigay ng direktiba si President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. sa pamamagitan ni executive secretary / former Chief Justice Lucas Bersamin, nais pa rin ng mga kongresista na bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na suspendihin ang pagtataas ng kontribusyon.

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang paghahain ng House Bill No. 6772 na aniya ay malaking kabawasan at bigat sa iniisip ng mga negosyante at mga manggagawa sa pribado man o sa publiko.

Sa panahong nagsisimula pa lang na muling makabangon ang mga negosyo at mamamayan buhat sa matinding epekto sa kabuhayan ng coronavirus disease 2019 pandemic at ng mga sunod-sunod na kalamidad ay kailangan aniyang magpakita ng pagiging sensitibo ng pamahalaan sa kalagayan ng higit na nakararami.

Naniniwala rin ang House of Representatives na bagamat may epekto sa mga programang nais ipatupad ng PHILHEALTH ang suspensyon ng pagtataas ng hulog ng mga nasa kategoryang “direct members” ay mas kailangang unawain ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan.

Aamyendahan ng panukala ang section 10 ng Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Act for All Filipinos na nagtatakda ng dahan-dahang pagtataas ng hanggang 5% mula taong 2019 hanggang 2025 o aabot sa kabuuang P500.00 mula sa dating kontribusyon na P200.00.

Ito ay para matustusan ang pagpapalaki sa health packages ng PHILHEALTH gayundin sa mga bagong programa at pagpapaganda ng mga pasilidad pangkalusugan sa buong bansa partikular sa mga pampublikong ospital.

Nag-suspinde na rin ng pagtataas ng monthly premium nitong 2020 hanggang 2021 sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sanhi ng COVID-19 alinsunod sa Bayanihan 1 at Bayanihan 2.

 Nauna nang naghain ng panukala sa Senado si Senator Grace Poe Llamanzares. 

 Kaya tutukan ninyo ang programa “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” sa DWBL 1242 kHz-AM Band, mula 8:00 hanggang 9:00 ng umaga, dahil ito ang tatalakayin natin kasama mismo si Sir Rey Baleña sa ating “Talakayang PHILHEALTH”.