Suspensyon ng SC walang due process, ‘politically motivated’- Gadon

Suspensyon ng SC walang due process, ‘politically motivated’- Gadon

January 5, 2022 @ 5:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Iginiit ng abogadong si Larry Gadon nitong Martes na ang preventive suspension na iniutos ng Supreme Court laban sa kanya ay “politically motivated.” 

Ito ang naging pahayag ni Gadon nitong Martes ukol sa suspensyon sa kanya, na aniya pa ay hindi dumaan sa “due process”.

“For an institution that prides itself for safeguarding due process of laws, I am confused that the Supreme Court immediately suspended me without due process and my suspension was announced in the media without furnishing me first with a copy of the complaint, if there is any,” pahayag ni Gadon.

“Since this appears unprecedented in history, I cannot help but feel that I am being singled out,” patuloy niya. “Could this be politically motivated since I am running for senator?”

Iniatas ng SC ang preventive suspension ni Gadon dahil sa viral video kung saan pinagmumura niya ang mamamahayag na si Raissa Robles. RNT/SA