Suspensyon ng UPCAT 2023-24 didesisyunan!

Suspensyon ng UPCAT 2023-24 didesisyunan!

August 14, 2022 @ 10:17 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posible nanaman masuspinde ang pagsasagawa ng UP College Admission Test (UPCAT) para sa taong akademiko 2023-2024 dahil sa patuloy na pandemya.

Ito ay kung maaaprubahan ng UP Council ang nasabing usapin na kasalukuyan nilang tinatalakay.

Sa isang pahayag na inilabas noong Biyernes, sinabi ng state university na ang mga miyembro ng President’s Advisory Council – na kinabibilangan ng mga chancellors ng walong constituent universities ng UP – ay nagsagawa ng pagpupulong noong Agosto 3 at “nagkasundo na talakayin” sa kani-kanilang mga pulong sa konseho ng unibersidad ang panukala na pagsuspinde sa UPCAT.

“According to Office of Admissions Director Francisco De Los Reyes, the proposal to suspend UPCAT for this year is in light of concerns about the public health situation,”ayon sa konseho.

“In addition, the University is facing the logistical challenges of ensuring the safety and well-being of the more than 100,000 applicants and around 1,600 personnel who will administer the test nationwide.”

Ang pangunahing unibersidad ng bansa ay nagsabi na ang mga deliberasyon ay nagpapatuloy sa walong nasasakupan nitong mga kampus sa: Baguio, Cebu, Diliman, Los Baños, Manila, Mindanao, Open University, at Visayas.

Mula pa noong 2020 sinuspinde ang pagsasagawa ng UPCAT bunsod ng pandemya at sa halip, ang makakapasok sa UP ay batay sa mga matataas na grade na nakuha ng aplikante sa kanilang paaralan, at iba pang mga karagdagang kinakailangan depende sa napiling degree program.

Ang UP ay nananatiling nangungunang unibersidad sa bansa batay sa world university rankings. RNT