Suspensyon, pakana ng kaaway – Bantag

Suspensyon, pakana ng kaaway – Bantag

October 25, 2022 @ 2:11 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Iniugnay ng suspendidong si Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Bantag nitong Martes ang kanyang pagkakasuspinde sa mga indibidwal na aniya ay may mga isyu laban sa kanya.

“Alam niyo naman ang dami kong nasagasan. Drug lords — lahat po i-mention na natin. Talagang magpi-piyesta talaga sila,” ani Bantag snang tanungin ukol sa posibleng rason ng pansamantalang pag-alis sa kanya sa opisina.

Sinunspinde si Bantag kasunod ng pagkamatay ni Jun Villamor, isamng preso sa New Bilibid Prison na itinurong middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Pinalitan siya ni BuCor OIC Gregorio Catapang, dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspendihin si Bantag upang bigyang-daan ang “fair and impartial investigation.”

Kabilang din si Bantag sa 160 persons of interest sa pagpatay kay Lapid. Sinabi ng Philippine National Police na tinuglisa ng mamamahayag ang ang mga personalidad sa kanyang programa.

Nang tanungin ukol dito, sinabi ni Bantag na hindi totoo ang mga kritisismo ni Lapid.

“Alam mo, nakita ko rin ‘yung parang ano, parang YouTube, pang tawag doon sa programa niya.  At ang mga binabanggit naman niya walang katotohanan ‘yun,” ayon kay Bantag. RNT/SA