Suspensyon sa DOH execs, ikinalungkot ng pamunuan – Vergeire

Suspensyon sa DOH execs, ikinalungkot ng pamunuan – Vergeire

October 28, 2020 @ 6:09 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Health ang integridad ng kanilang limang opisyal na pinatawan ng six-month preventive suspension dahil sa kapabayaan sa pagbibigay ng benepisyo ng healthcare workers.

Sa kabila nito, nangako naman ang DOH na makiiisa sila sa isasagawang imbestigasyon.

“We are supportive of our officials. These five officials have been with us for decades, nagbigay ng sakripisyo, commitment. Integrity wise, mapagkakatiwalaan, kaya sana magkaroon na ng resolusyon ang kaso para makabalik na sila sa kanilang trabaho,” saad ni DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire sa  online forum.

“In this time of a pandemic, these five people are playing critical roles in our pandemic response kaya, we hope na matapos na ito.”

Ang mga sumusunod ang opisyal na sinuspinde ni Ombudsman Samuel Martires:

  • Director Kenneth Ronquillo ng DOH Health Human Resource Development Bureau

  • DOH Assistant Secretary Maylene Beltran

  • Dr. Roger Tong-an ng DOH Administration and Financing Team

  • Dr. Laureano Cruz ng DOH Administration and Financing Team

  • Administrative Officer Esperanza Carating.

 “Lungkot na lungkot po kami na ganito ang sitwayson amid the pandemic, pero bukas naman po ang ating kagawaran sa anumang imbestigasyon at kung ano man ang kailangan ay kami ay mag-a-abide,” kwento pa ni Vergeire.

“Ito pong preventive suspension ay hindi po ibig sabihin ay pinapatawan na sila ng penalty. Parte po ito ng legal process para hindi magkaroon ng implewensiya ang nasasakadal.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...