Suspensyon sa importasyon ng Canadian beef inalis na ng Pinas

Suspensyon sa importasyon ng Canadian beef inalis na ng Pinas

February 5, 2022 @ 12:59 PM 6 months ago


Manila, Philippines – Inalis na ng Pilipinas ang suspensyon ng importasyon ng Canadian beef imports na ipinatupad nang matukoy ang cattle disease noong nakaraang buwan, ayon sa Canadian Agriculture Minister Marie-Claude Bibeau.

Maaalalang natukoy ng Canada ang kaso ng bovine spongiform encephalopathy (BSE) noong Disyembre sa Alberta farm.

Kasunod naman nito ay sinuspinde ng Pilipinas, China, at South Korea ang Canadian beef imports. RNT/FGDC