Sustainability isama sa mga negosyo – DENR

Sustainability isama sa mga negosyo – DENR

February 26, 2023 @ 12:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Environment Secretary Antonia Loyzaga ang mga industriya tulad ng mga nakikibahagi sa agrikultura at pagmamanupaktura na isama ang sustainability sa lahat ng aspeto ng kanilang negosyo, bilang bahagi ng kanilang kontribusyon sa pangangalaga sa kapaligiran.

Inilabas ni Loyzaga ang panawagan sa kanyang talumpati sa joint launching ng Philippine Action Plan for Sustainable Consumption and Production (PAP4SCP) at ang Roadmap to Institutionalize Natural Capital Accounting in the Philippines noong Pebrero 13.

Sa press release, habang ang Pilipinas ay sumasailalim sa mabilis na industriyalisasyon at urbanisasyon, sinabi ng DENR Secretary na ang magkatulad na epekto ng pagiging isang international hub para sa manufacturing at produksyon, gayundin ang pagtaas ng pagkonsumo ay naging hamon naman sa hindi sapat na solid waste management system ng bansa.

“It has become increasingly clear that our current production systems are not sustainable. We are consuming and disposing more quickly and far more than our environment can support, putting our future at risk,” ani Loyzaga.

“We all have a stewardship role in terms of protecting our environment and natural resources, and this responsibility is not solely the DENR’s. The sustainable production and consumption policies we design must therefore be trans-disciplinal, time-sensitive, and spatially targeted in order for them to be transformational,” idinagdag pa ng kalihim.

Ipinunto ni Loyzaga na ang sustainable production ay nangangahulugan ng paggawa ng mga produkto na may kaunting ecological footprint, at mga produkto at serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyan na hindi nakumpromiso ang resources ng susunod na henerasyon.

Kaugnay nito, dapat umanong balansehin ang napapanatiling modelo ng produksyon sa pagitan ng paglago ng ekonomiya, pagkakapantay-pantay ng lipunan at responsibilidad, at pangangalaga sa kapaligiran, dagdag niya. Santi Celario