SUSTAINABLE DEVELOPMENT IPAPRAYORIDAD NG DENR

SUSTAINABLE DEVELOPMENT IPAPRAYORIDAD NG DENR

February 28, 2023 @ 7:30 AM 4 weeks ago


BILANG pangunahing ahensya na responsable sa konserbasyon, pamamahala, pagpapaunlad at epektibong paggamit ng kapaligiran at likas na yaman ng bansa, opisyal na sinalubong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang bagong taon kasabay ng muling pagpapatibay ng pangako na tuparin ang mandato sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng mga nakaraang tagumpay at panatilihin ang pagiging matatag nito.

Sa ginanap na New Year Reception noong Enero 27, pinangunahan ni Secretary Antonia Loyzaga ang higit 90 opisyal ng DENR kasama na ang mga bagong talagang Undersecretaries, Assistant Secretaries, Bureau at Line Directors, Office Directors, at Regional Executive Directors sa pagdiriwang ng mga nakamit ng Departamento sa taong 2022 at mga layunin sa 2023.

Sa kanyang keynote address, hinamon ni Loyzaga ang DENR workforce na magkaroon ng mas mataas na pamantayan habang binigyang-diin nito ang mga makamit ng Departamento sa nakalipas na taon kasama na ang mga pangakong nakuha nito mula sa development partners na nagpalakas ng kooperasyon at nagpalawak ng oportunidad sa pakikipag-partner.

“The choices and decisions we make in the next few years will determine our country’s future and our contribution to the shared goals of our country. We need to make this progress continue and make it resilient and sustainable,” saad ni Loyzaga sa pagdiriwang na ginanap sa Tagaytay City.

Tiniyak nito sa lahat na ang direksiyon ng DENR ay ayon sa kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kung saan prayoridad ang katatagan at adaptation ng bansa sa climate change. Binigyang-diin pa nito na ang pahayag ng pangulo na “preservation of the environment is the preservation of life.”

“We will continue to strive to ensure that the department’s priorities, plans, programs, and policies are aligned with the President’s pronouncement regarding     the nexus between climate change, biodiversity, our natural resources, and resilient and inclusive development for our country,” pahayag ni Loyzaga.

Nagsilbi ring daan ang  programa para sa DENR’s Reprogramming Workshop kung saan ay muling binuo ang Programs, Activities, and Projects (PAPs) ng 16 na rehiyon para sa 2023 upang matiyak na nasa direksyon ito ng administrasyon ng Pangulo at ng Philippine Development Plan para sa 2023-2028.

Kabilang sa mga nagawa ng DENR noong 2022 ay ang pagtatatag ng national natu-ral resource geospatial database at mobilisasyon ng P2 bilyong karagdagang pondo mula sa development partners para sa nature-based solutions, climate action, at preparasyon para sa carbon at biodiversity credit markets.

Inulit din ni Loyzaga na ang sa ilalim ng kanyang pamamahala, ang DENR ay magiging transparent at participatory kung saan ang mga stakeholders ay maaaring makipagdayalogo sa de-    partamento tungkol sa kanilang mga plano, programa at polisiya.

Sinabi pa nito na ang departamento ay magiging trans-disciplinary at magkakaroon ng ‘holistic approach’ sa mga programa at istratehiya nito.

Idinagdag ni Loyzaga na ang DENR mantra na “co-ownership and common but differentiated responsibili-   ties” para sa pagprotekta ng natural environment ay isasakatuparan sa departamento.

Ginanap din sa pagdiriwang ang oath taking ng bagong halal at talagang opisyal ng DENR Association of Career Executives (ACE) kabilang na ang bago nitong pangulo na si Undersecretary for Finance, Information Systems and Climate Change Analiza Rebuelta-Teh, Ang mga third-level na empleyado ng DENR na Career Executive Service Officers at Career Executive Service Eligibles ang bumubuo sa korporasyon na DENR-ACE.

Mula nang manungkulan bilang kalihim, ipinahayag ni Loyzaga ang kanyang layunin na magkaroon ng ethi-   cal, collaborative, efficient at science-based management ng kapaligiran at likas na yaman ng bansa sa ilalim ng kanyang pamumuno.