‘Sustainable, resilient’ infra projects target ng DPWH

‘Sustainable, resilient’ infra projects target ng DPWH

August 24, 2022 @ 10:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinakailangang maging “sustainable and resilient” ang infrastructure program ng pamahalaan at muling gagawing prayoridad ang high-impact projects bilang bahagi ng economic recovery plan sa gitna ng pandemya, ayon kay Department of Public Works and Highways Secretary (DPWH) Manuel Bonoan.

“Kailangan ang infrastructure program natin should be sustainable and resilient… actually, there are several programs that we need to implement,” pahayag ni Bonoan.

“Sabi nga ni President Bongbong Marcos Jr. noong nagkausap kami yung mga Build, Build, Build (BBB) projects that were started sa panahon ni [dating] Presidenteng Duterte, dapat ipagpatuloy natin ang mga programang nasimulan niya at tapusin natin sa madaling panahon para mapakinabangan natin dito sa economic recovery natin,” dagdag niya.

Ang BBB project ay ang flagship program ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Mayroon itong kabuuang119 infrastructure projects at may budget na P5.08 trilyon.

Inihayag ng DPWH nitong Abril na 12 lamang sa 119 infrastructure flagship projects (IFP)ang nakumpleto, na nagkakahalaga ng P70.65 bilyon o 1.4% ng P5.08 trilyong kabuuang halaga ng investments upang makumpleto ang 119 IFPs.

Sinabi ni Marcos nitong nakaraang buwan na maglalaan ang pamahalaan ng lima hanggang anim na porsyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa para sa infrastructure projects.

Inihayag din ng Pangulo na hindi siya pabor na suspendihin ang anumang programa na namana mula sa administrasyong Duterte at balak niya itong palawigin.

Sinabi ni Bonoan na nais tugunan ni Marcos ang traffic congestion problems at interconnection projects upang mapabilis ang trasnportasyon ng mga produkto at serbisyo.

“We will look into the list yung mga nakalinyang 80 projects natin all over the country and we will re-prioritize them. Yung mga high-impact projects, ‘yun muna ang dapat unahin natin para makatulong sa economic recovery natin,” aniya.

“Yung mga high-impact projects that are financially viable with the private sector we will continue to encourage the participation of public-private partnership. Kasi karamihan naman ng mga ito if it is financially viable for the kababayan natin and the private sector, we would rather help them implement it through the private sector,” sabi ni Bonoan. RNT/SA