Susunod na prexy magmamana ng maraming magandang bagay sa Du30 admin – spox

Susunod na prexy magmamana ng maraming magandang bagay sa Du30 admin – spox

January 22, 2022 @ 10:03 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Maraming magagandang bagay ang makukuhang pamana ng susunod na Pangulo ng bansa mula sa administrasyong Duterte.

“The next President will be inheriting an administration kung saan iyong predecessor niya, ibig sabihin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, is the highest most trusted official in terms of Pulse Asia Survey showing he’s the most approved national leader in the Philippines with score of 72 percent,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Ang ii-inherit din po ay isang bansa kung saan ang GDP (gross domestic product) growth natin ay 7.1 percent noong third quarter of 2021 and ang prediction po ng mga respected institutions tulad ng Asian Development Bank (ADB) ay 5.1 percent ang magiging growth rate ng Pilipinas for 2021,” dagdag na pahayag nito.

Maliban dito, pinuri ng ADB ang ekonomiya ng bansa para sa pagpapakita ng “impressive resilience” sa gitna ng nagpapatuloy na coronavirus disease (COVID-19).

Gayunpaman, ang pagbibigay-diin ni Nograles sa mga nasabing achievements ng administrasyong Duterte ” out of the blue” ay hindi para ipamukha sa publiko ang nagawa ng kasalukuyang administrasyon kundi bilang tugon sa naging pahayag ni University of the Philippines School of Economics (UPSE) Professor Emeritus Solita Monsod, na ang susunod na Pangulo ay may mamanahing bansa na mayroong “lost its moral compass”.

Sa naging pahayag ni Monsod, ang bansa ay kasalukuyang nakikipagpambuno sa iba’t ibang krisis gaya ng krisis sa edukasyon, ekonomiya at health–problems na babagsak sa susunod na Pangulo na titira sa Malakanyang.

Ang buweltang pahayag naman ni Nograles na ang susunod na Pangulo ng bansa ay “will take over a country kung saan we hope and expect sa pagtutulungan ng lahat na 90 million Filipinos would have been fully vaccinated by the end of the term of President Rodrigo Roa Duterte,” anito.

Aniya pa, bumubuti na ang employment situation sa bansa na mayroong unemployment rate na 6.5 percent “as of last November” base sa bilang mula sa Philippines Statistics Authority (PSA).

Sa kabila pa rin aniya ng pandemiya, nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng mataas na bilang ng mga recorded a higher number of enrolments ngayong taon kumpara sa nagdaang school year.

“Our hunger rates have declined,” ayon kay Nograles.

“In fact the global hunger index has put the Philippines in a… with the score of 16.8 ang global hunger index natin compared to 25 in year 2000; 20.4 in 2006; and 20.5 in 2012. So previously based on the global hunger index, we were suffering from severe hunger index.”

Ani Nograles, “16.8 score places the country at moderate level in terms of the global hunger index.”

Ang susunod na eleksyon ay gaganapin sa Mayo 9, 2022. Kris Jose