SUV driver sa Mandaluyong hit-and-run, kinasuhan ng frustrated homicide, abandonment ibinasura

SUV driver sa Mandaluyong hit-and-run, kinasuhan ng frustrated homicide, abandonment ibinasura

August 25, 2022 @ 11:42 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ibinaba ng Mandaluyong City Prosecutor’s Office nitong Huwebes ang kasong isinampa laban sa SUV driver na nasangkot sa hit-and-run incident sa isang security guard na nagmamando ng trapiko sa nasabing syudad.

Sa halip na frustrated murder ginawang frustrated homicide ng hukom ang kasong isinampa laban kay  Jose Antonio Sanvicente.

Matatandaan na noong Hunyo 6, ang biktimang kinilalang Christian Joseph Floralde ay sinagasaan at tinakbuhan ni Sanvicente sa intersection ng Julia Vargas Avenue at St. Francis Street sa Mandaluyong.

Kinasuhan noon ang nagtagong si Sanvincente ng frustrated murder at Abandonment of One’s Own Victim o Paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code.

Sa inilabas na rekomendasyon ng prosecutor office, wala silang nakita sa insidente na magkukwalipika para sa murder sa  ilalim ng Artikulo 248 ng Revised Penal Code sa nasabing insidente.

“While we do note that the crime may have been perpetrated with the use of a motor vehicle, the same does not necessarily qualify the offense to murder. The qualifying circumstance of ‘by means of a motor vehicle must pertain to an instance where the accused purposely sought or initially intended to commit a crime by employing such means. Such scenario, however, is utterly absent in the case at hand,” saad sa rekomendasyon ng korte.

Bukod sa mas magaan na kaso, ibinasura din ng mga tagausig ang kasong abandonment of person’s in danger and one’s own victimv dahil umano sa kakulangan sa probable cause. RNT