SUV owner sa Mandaluyong hit-and-run binawian ng lisensya ng LTO

SUV owner sa Mandaluyong hit-and-run binawian ng lisensya ng LTO

June 13, 2022 @ 5:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Matapos ang isang linggo inilabas ni Transportation Assistant Secretary at LTO Chief Edgar Galvante ang revocation order matapos na balewalain ng may-ari ng rehistro na si Jose Antonio Sanvicente ang paglabas ng dalawang show cause order (SCO) ng ahensya at nabigong humarap sa proceeding sa Investigation body na idinirek ng ahensya.

Ayon sa LTO si Sanvicente ay Perpetually Disqualified na mula sa pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho at pagmamaneho ng sasakyang de-motor.

Kaugnay nito sa kaparehong kautusan, si Sanvicente ay napatunayang nagkasala sa mga paglabag sa Reckless Driving (Sec. 28 ng Republic Act 4136) at Sec. 55 ng RA 4136 (Tungkulin ng driver kung sakaling may aksidente).

Samantala sa ilalim ng umiiral na Traffic Law, ang akusado ay pinaparusahan ng multang P10,000 para sa 3rd Offense of Reckless Driving.

Inatasan din ng LTO si Sanvicente na isuko kaagad ang kanyang driver’s license sa LTO-Intelligence and Investigation Division (IID).

Ang pagkabigong isuko ni Sanvicente ang kanyang lisensya sa pagmamaneho kung kinakailangan ay magreresulta sa pag-impound ng anumang Sasakyang de-motor na minamaneho niya.

Kaugnay nito magugunitang noong Hunyo 5, 2022, isang Puting SUV ang nasangkot sa isang insidente ng trapiko sa pamamagitan ng pagbangga bago nasagasaan ang isang security guard habang namamahala sa trapiko.

Sa kuha ng CCTV sa halip na tulungan ang sugatang security guard na kinilalang si Christian Joseph Floralde, 32, ang SUV ay tumilapon at saka tumakas. Santi Celario