Swab test sa bakunadong local travelers pinaaalis

Swab test sa bakunadong local travelers pinaaalis

June 5, 2021 @ 2:08 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Pinaalis na ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang swab test para sa mga bakunado na kontra coronavirus disease (COVID-19) bilang requirement sa lokal na biyahe.

Para kay Concepcion na ang pinaluwag na requirement sa mga bakunadong biyahero ay mag-aangat ng lokal na turismo.

“Ang pinu-push ng private sector ay ‘yung kumuha ng bakuna ang dapat mabigyan ng greater mobility,” ani Concepcion na founder din ng Go Negosyo na naglalayong mabakunahan ang mga manggagawa sa pribadong sektor.

“Dapat gawin natin ito eventually sa domestic travel. Malaking bagay ito sa pagbukas ng economy. ‘Yung mga taong kumuha ng bakuna, wala nang PCR (polymerase chain reaction) test sa pagbiyahe nila sa ibang tourist destinations. Malaking savings din ‘yan,” dagdag nito.

Isinusulong din ni Concepcion ang pagbibigay ng vaccine pass sa mga bakunadong Filipino.

Sa guidelines ng gobyerno, nasa LGU kung gagawing mandatoryo ang testing bago makapasok sa isang lalawigan. RNT/ELM