Sweet anniversary message ni Jessy kay Luis

Sweet anniversary message ni Jessy kay Luis

June 29, 2018 @ 8:14 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kahit late na ang ginawang anniversary greeting ni Jessy Mendiola kay Luis Manzano na ipinost ng actress last Monday ay panalo pa rin dahil napaka-sweet ng mensahe niya para sa boyfriend.

Ang kanyang mensahe ay pagpapasalamat sa pagdating ni Luis sa kanyang buhay na naging partner niya in everything.

“It`s our second year together yet it feels our first few months together, with the added bonus of having more positive things coming our way.

“From the beginning you always treated me so special, you never fail to make me smile and laugh even on bad days. You’re  my partner in everything, you even do things against your will (like walking so much and taking pictures) just to make me happy.

“I am very grateful to have someone like you in my life. I’m so glad I went to your birthday party two years ago (even if I really didn’t  want to).

“Thank you for coming into my life and teaching me to be soft even when the world is so tough. Happy 2nd anniversary my love! Looking forward to making more shared memories with you,” ang nilalaman ng anniversary message ni Jessy.

Ipinost din ni Jessy ang larawan na kung saan makikita sila ni Luis in a sunset setting by the beach habang naghahalikan. Napakaganda ng sweet moment ng dalawa kaya naman umani ito ng libu-libong likes and comments.

Samantala, muling pinaligaya ni Luis ang mga naging contestant ng kanyang programang ”I Can See Your Voice” dahil sinasagot na nito ang problemang dinanas ng mga contestant, tulad ng isang contestant na kaya sumali ay para maipagpagawa niyang ngipin ang magulang.

Ang isa namang contestant ay para magamit ang pinalunang premyo sa pagpapa-dialysis ng manugang na inako na ni Luis ang pagbabayad hanggang anim na buwan.

Napakasuwerte ng mapapangasawa ni Luis dahil bukod sa mapagmahal na anak at sigurado na magiging mapagmahal na husband rin ito sa babaing kanyang ihaharap sa altar.

 

****

 

Magkasabay na palabas ngayon sa mga sinehan ang dalawang pelikula, ang isa ay The Write Moment nina Jerald Napoles at Valeen Monte-negro na true story raw ito ni Direk Dominic Lim at ang pelikulang Walwal na pinagbibidahan ng mga young actors na idinirek ni Jose Javier Reyes.

Ang tanong ay, kumita kaya ito sa takilya?

Kapag mangilan-ngilan lang ang manonood nito sa mga mall theater, nangangahulugan lang na hindi ito gustong panoorin ng masang Pinoy.

Kapag biglang nawala sa mga sinehan pagkatapos na unang araw ng pagpapalabas nito ay nangangahulugan lang na flopsina ito, meaning tinanggal sa mga sinehan dahil iilan lang ang nanonood.

Teka Muna ni Gerry Ocampo