Sweet driver pinutulan ng ari ng selosong amo

Sweet driver pinutulan ng ari ng selosong amo

February 17, 2022 @ 9:56 AM 4 months ago


DAVAO CITY- Pinutulan ng ari at hinataw pa sa ulo ang isang family driver ng kanyang among lalaki, kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Danilo Aranzo , 51-anyos residente ng Sitio Sto Niño, Tugbok District, Davao City.

Nakakulong naman sa Tugbok Police Station ang suspek na kinilalang si Alexander Taglucop , 51-anyos, ng Brgy. Tacunan, Tugbok District ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, nagdududa umano ang suspek sa biktima at sa misis nito kung saan pinaghihinilaan niya na may lihim na relasyon ang dalawa dahil magkasama sila sa   Araw ng mga Puso.

Sa galit suspek inabangan niya ang pagdating ng biktima at kanyang misis sa kanilang bahay at pagbaba mismo ng sasakyan ni Aranzo ay agad niya itong hinataw sa ulo ng matigas na bagay.

Pagkatapos ay ginapos ang mga kamay at paa saka hinubaran ng pantalon at pinutulan ng ari na agad nitong ikinamatay.

Mabilis naman rumesponde ang mga pulis sa bahay ng suspek na nagresulta sa agaran nitong pagkadakip.

Nakuha sa bahay ng suspek ang isang brick at kutsilyo na ginamit sa krimen.

Nahaharap ngayon sa kasong murder si Taglucop. Mary Anne Sapico