‘Sweetheart deal’ ng DOE kay Dennis Uy sa Malampaya shares kinuwestyon ng senador

‘Sweetheart deal’ ng DOE kay Dennis Uy sa Malampaya shares kinuwestyon ng senador

December 15, 2021 @ 12:11 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ni Senador Risa Hontiveros nitong Miyerkoles ang sinasabing “kuwestiyonable at hindi kapani-paniwalang kasunduan” ng Department of Energy (DOE) sa pagbebenta ng strategic energy assets ng bansa sa Udenna Corporation na pag-aari ni Dennis Uy.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na lubhang nakakapgduda ang bentahan dahil ilang linggo pa lamang naitatayo ang kompanya nang ihayag ng pamahalaan ang non-renewl ng service contract na sumasakop sa Malampaya Deepwater Gas to Power Project.

Ayon kay Hontiveros sa ginanap na pagdinig hinggil sa pagbili ng Udena sa controlling shares ng Malampaya project na dapat suriin nang Mabuti ang bentahan dahil maraming kuwestiyonableng aspeto ang pagbili ng kompanya nap ag-aari ni Uy.

Gamit ang ilang dokumento, tinukoy ni Hontiveros ang Udenna Corporation pawang subsidiary Udenna Corporation Malampaya (UC Malampaya)na nabuo noong Setyembre 1, 2019 o 18 araw bago ihayag ng DOE ang non-renewal ng Service Contract 38 na sumasakop sa Malampaya ng UC Malampaya sa kabila ng kawalan nito ng background sa energy exploration na kamalaunan, nabili ang Malampaya shares ng Chevron at Shell Philippines.

“The timing is suspiciously convenient. Either they have employed very good fortune tellers, or Udenna was provided with advance notice, among other inordinate advantages. Is the country’s strategic energy asset being sold in a last-minute sweetheart deal?” tanong ni Hontiveros.

Aniya, hindi hihigit sa 2 buwan, pumaloob ang UC Malampaya sa kahina-hinalang Sales ad Purchased Agreement upang bilhin ang 45% ng participating interest ng Chevron sa halagang $565m na kahit hindi maliwanag na may sapat na kakayahan ang UC Malampaya sa energy exploration.

“Wala pang dalawang buwang naitatatag ang UC Malampaya ay nagkaroon na agad ito ng Sales and Purchase Agreement to acquire Chevron’s shares. Mukhang alam ng Udenna ang shortcut sa pagtake over ng critical services at infrastructure ng bansa. Mula sa Dito Telecoms, hanggang sa Comelec logistics contract, ngayon dito sa Malampaya. Ito ba ang mukha ng cronyism sa taong 2021?,” dagdag ni Hontiveros.

Sinabi pa ni Hontiveros na nakarehistro ang UC Malampaya sa Singapore at hindi sa Pilipinas base sa dokumento ng Singapores’ Accounting and Corporate Regulatory Authority.

“Did we just hand off our strategic energy assets to a foreign firm? Why? And how sure are we that there is no “mystery buyer”, most likely a foreign power, waiting in the shadows to assume control over our energy sector?” ani Hontiveros.

Dahil dito, hinikayat ni Hontiveros ang DOE na maging transparent sa pagbili ng Udenna Malampaya project upang matugunan ang lumalawak na panghihinala at concerns sa naturang kasunduan.

“Kung may anomalya at pagkakamali, dapat ay itama ito. Huwag tayong magbulag-bulagan. Tandaan natin, hindi lang enerhiya at ekonomiya natin ang nakasalalay dito, kundi pati ang ating kalayaan at soberanya,” aniya. Ernie Reyes