Swimmer Tom unang triple-gold winner sa Batang Pinoy

Swimmer Tom unang triple-gold winner sa Batang Pinoy

December 18, 2022 @ 4:35 PM 1 month ago


ILOCOS SUR— Nanalasa si Aubrey Tom ng Rizal sa girls’ 400m individual medley upang maging unang triple-gold winner sa Batang Pinoy ng Philippine Sports Commission sa Quirino Stadium pool sa Bantay dito ngayong Linggo.

Si Tom, 15-anyos na Grade 10  ng University of the Philippines Integrated School ay nag-check in sa limang minuto at 31.10 segundo sa women’s 400m IM para maibulsa ang kaubuang tatlong medalya.

Unang nakuha ng UAAP gold winner ang dalawa pang gold medals sa 100m free at 200m IM noong nakaraang araw.

Nabigo ang dalagang taga-Cainta sa kanyang layuning limang gintong medalya sa huling edisyon ng Batang Pinoy tatlong taon na ang nakararaan sa Puerto Princesa, Palawan ngunit natuwa lang siyang makabalik sa winning form matapos muntik mawalan ng interes sa sport.

“Muntik na akong mag-quit, masaya lang akong bumalik at nanalo,” sabi ni Tom.RICO NAVARRO