3 arestado sa pekeng resibo, invoice

March 24, 2023 @7:43 PM
Views: 60
MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation- National Capital Region (NBI-NCR) ang tatlong indibidwal dahil sa pag-iisyu ng pekeng official receipts at invoices.
Kinilala ang mga naaresto na sina Gabrille Samantha Marie Chua y Lao, John Lim Chua at Jose Joaquin Lai y Limjap, residente ng Quezon City na nahaharap sa kasong paglabag sa Falsification of Commercial Documents under Article 172 in relation to Article 171 of the Revised Penal Code.
Batay sa impormasyon na nakuha ng NBI-NCR, isang kompanya ang itinatag na ang negosyo nito ay mag-isyu ng official receipts at sales invoices bagama’t wala itong active business operation at assets.
Nabatid pa na ang mga inisyung resibo at invoices ay may katumbas na 7% sa kabuuang halaga ng resibo upang makaiwas sa pagbabayad ng taxes sa gobyerno.
Dahil dito, nagsagawa ng transaksiyon ang NBI-NCR kung saan nakumpirma na ang nasabing kompanya ay nag-ooperate sa ilalim ng “Smart Ideas Marketing” at noong Marso 3 ay nag-isyu sila ng search warrant laban sa naturang kompanya na matatagpuan sa E. Rodriguez, Quezon City.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa may-ari nito na si Gabrille.
Inaresto rin sina John at Jose na nag-iisyu ng official receipts at invoices sa mga undercover agent.
Kinumpiska naman ng mga awtoridad ang mga resibo at invoices na kanilang ginagamit sa kanilang pekeng transaksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Notoryus na kawatan itinumba

March 24, 2023 @7:30 PM
Views: 61
TIGBAUAN, Iloilo City- Tadtad ng tama ng bala ng baril, nakapiring ang mata at nakagapos ang mga kamay ng isang notoryus na kawatan matapos matagpuan ang bangkay nito sa bakanteng lote, kahapon ng umaga, Marso 23 sa bayang ito.
Kinilala ang biktimang si Allen Sanchez, at nakatira sa Barangay Sto. Niño Norte, Arevalo, Iloilo City.
Batay sa report ng Tigbauan Municipal Police Station, bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan ang nakadapang bangkay ng biktima sa bakanteng lote na sakop ng Brgy. Linobayan, ng naturang bayan.
May nakasulat sa likod ng suot ng t-shirt ng biktima na, “Para sa bayan, Toto Desilos Ungka BJMP Munti Drug Group.”
Kinumpirma naman ni Ungka BJMP Warden Atty. Jairus Anthony Dogelio ang pagkakakilanlan ng biktima na dalawang taong nakulong si Sanchez sa kasong Theft taon 2013 at nakalabas taon 2014.
Subalit, muling nakulong ito noong Hunyo 2019 at nakalabas ng kulungan Oktubre 2019.
Nakumpirma rin na may isang nagngangalang Toto Desilos ang nakakulong sa BJMP, Ungka at iniimbestigahan ngayon kung may kinalaman siya sa pagkamatay ni Sanchez.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen. Mary Anne Sapico
ALAMIN: Mga kalsadang isasara mula Marso 24 ‘gang 27

March 24, 2023 @5:59 PM
Views: 87
MANILA, Philippines – Inanunsyo na magkakaroon ng road reblocking at repair ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa iba’t ibang kalsada sa Metro Manila ngayong darating na weekend.
Sa abiso, apektado ng road reblocking ang mga sumusunod na kalsada mula alas-11 ng gabi ng Marso 24 hanggang alas-5 ng umaga sa Marso 27.
– EDSA (NB) sa pagitan ng Ayala Ave. & Buendia Ave. 3rd lane mula sa bangketa sa Makati City
– EDSA (SB) (rotomilling/asphalt overlay only) sa may EDSA malapit sa Estrella St., Guadalupe Viejo, Makati City
– EDSA (SB) pagkatapos ng Roosevelt Station bago mag-Bansalangin St., outer lane 3rd & 1st lane, Quezon City
– EDSA (SB) sa harap ng FORD at Lemon Square Bldg., outer lane, 1st lane, Quezon City
– EDSA (NB) sa may Mahal Kita Hotel hanggang Taft Avenue, Pasay City
– C-5 Road Southbound inner lane pagkatapos ng U turn slot, Pasig City
– C-5 Service Road, Bagong Ilog sa harap ng M.I.H Building, ikalawang lane mula sa bangketa, Pasig City (SB)
– C-5 Road sa gitna ng Lanuza to Canley Road, ikalawang lane mula sa bangketa, Pasig City (SB)
– Commonwealth Avenue (WB) Doña Carmen St., hanggang Odigal St., ikatlong lane mula sa gitna, Quezon City. RNT/JGC
Granada natagpuan sa tabi ng isang gusali sa Maynila

March 24, 2023 @4:25 PM
Views: 84
MANILA, Philippines – Natagpuan ng isang negosyante ang isang granada sa tabi ng isang gusali sa Sampaloc, Maynila umaga ng Biyernes, Marso 24.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naisipan umano ni Carlito Ocampo, 50 anyos, buy and sell scrap materials bussinessman mula sa Bulacan na umihi sa tabi ng gusali ng SJNJS General Merchadising nang mapansin ang isang plastic bag.
Nangyari ito sa Dapitan St., corner Antipolo St, Sampaloc, Maynila.
Dahil nais nitong malaman ang laman ng plastic bag ay binuksan niya ito at nakita ang hand grenade.
Agad niyang inireport ang nakitang hand grenade kay Jhanry Fermandez, security guard ng SLEX/NLEX/SKYWAY Project kaya naipagbigay-alam naman nito sa nakakasakop na istasyon ng pulisya.
Inaalam ngayon kung sino ang nag-iwan ng nasabing granada sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Mga residente ng Batangas, naghahanda na rin sa posibleng pag-abot ng oil spill

March 24, 2023 @4:15 PM
Views: 66