SWS: 45% ng mga Pinoy, positibong giginhawa ang buhay sa sunod na 12 buwan

SWS: 45% ng mga Pinoy, positibong giginhawa ang buhay sa sunod na 12 buwan

December 10, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Halos kalahati o 45% ng adult Filipinos ang positibo na bubuti ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa independent survey na ipinalabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong Huwebes.

Isinagawa ang poll mula Sept. 29 hanggang Oct. 2 at lumabas din dito na 39% ang naniniwalang walang magiging pagbabago sa kalidad ng kanilang buhay, habang 4% ang nagsabing lalala ito. Hindi naman tumugon ang natitirang 12%.

Nagresulta ito sa net optimism score na 40, na itinuturing na “excellent” ng SWS. Mas mababa rin ito ng dalawang puntos kumpara sa 42 na naitala noong Hunyo.

Ang survey ay mayroong 1,500 respondents. Ang sampling error margins naman ay ±2.5% para sa national percentages, at ±5.7% sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, at ±4.0% para sa Balance Luzon. RNT/SA