SWS: 46% ng mga Pinoy naniniwalang bubuti ang buhay

SWS: 46% ng mga Pinoy naniniwalang bubuti ang buhay

September 19, 2022 @ 11:28 AM 6 days ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 46% ng adult Filipinos ang umaasang bubuti ang kalidad ng buhay sa susunod na 12 buwan sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey. 

Batay din sa SWS poll, na isinagawa noong Hunyo 26 hanggang 29 at pinakahuli sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, 40% ng adult Filipinos ang nasabing hindi magbabago ang kalidad ng kanilang buhay habang 4%, na tinukoy ng SWS na pessimist, ang nagsabing lalala ito.

Hindi naman tumugon ang natitirang 11%.

Ang resulta sa net personal optimism na +42, batay sa SWS ay excellent (+40 pataas).

Subalit, ang June 2022 Net Personal Optimism score na +42, ay mas mataas ng tatlong puntos kumpara sa naitala noong Abril 2022 na +39 na natukoy bilang very high.

The +42 Net Personal Optimism score in June 2022 is also the same figure recorded in December 2021, and just 2 points below the pre-pandemic level of +44 in December 2019.

Mula Abril 1984, 145 beses nang isinagawa ang survey na ito, ayon sa SWS.

“Out of the 145 surveys, the Net Personal Optimism score was negative only 11 times, reaching a historic low of -19 in May 2020 amid the Covid-19 pandemic lockdowns. It has since trended back upwards but still has not reached pre-pandemic levels,” dagdag nito.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults (18 taon pataas) sa buong bansa na hinati sa tig-300 sa Metro Manila, Visayas, Mindanao, at 600 sa Balance Luzon.

“Face-to-face is the standard interviewing method for Social Weather Stations; the only exceptions were early in the pandemic when movement restrictions made face-to-face impossible and mobile phone interviews were conducted,” ayon sa SWS.

“Normal face-to-face field operations resumed in November 2020,”  dagdag nito,

Ang sampling error margins ng survey ay ±2.5% para sa national percentages, ±5.7% para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, at ±4.0% para sa Balance Luzon.

“The area estimates were weighted by the Philippine Statistics Authority medium-population projections for 2022 to obtain the national estimates,” sabi pa ng SWS. RNT/SA