SWS: Ex-president Duterte nakakuha ng ‘very good’ satisfaction rating sa pagtatapos ng termino

SWS: Ex-president Duterte nakakuha ng ‘very good’ satisfaction rating sa pagtatapos ng termino

July 14, 2022 @ 7:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakatanggap si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng “very good” net satisfaction rating sa huling dalawang buwan niya sa opisina, ayon sa Social Weather Stations (SWS) nitong Miyerkules.

Makikita sa April 19-27, 2022 survey na ang net satisfaction ni Duterte ay pumalo sa +65, na pasok sa “very good.”

Mula ito sa 78 porsyentong respondents na kasali sa survey at sinabing kuntento sila sa performance ni Duterte at sa 13 porsyentong nagsabing hindi sila kuntento. Halos 9 porsyento ng respondents ang undecided.

Kumpara noong 2021, tumaas ng tatlong puntos ang gross satisfaction ni Duterte mula sa 75 porsyento, habang nanatili sa 9 porsyento ang gross undecided, at bumaba ng dalawang puntos ang gross dissatisfaction, ayon sa polling firm.

Natapos ang termino  ni Duterte noong Hunyo 30, 2022.

Isinagawa ang nationwide survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults edad 18 pataas. RNT/SA