SWS: Mayorya ng mga Katoliko, nananalangin isang beses kada araw

SWS: Mayorya ng mga Katoliko, nananalangin isang beses kada araw

February 21, 2023 @ 4:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pito sa 10 Katolikong Pilipino ang nananalangin kahit isang beses sa isang araw, ayon sa poll ng Social Weather Stations (SWS).

Napag-alaman din sa Fourth Quarter 2022 SWS na 10% ang nananalangin ilang beses sa isang linggo, 6% kada linggo, 4% dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo, 4% kada buwan, 2% halos kada linggo, 1% ilang beses sa isang taon, 1% isa hanggang dalawang beses sa loob ng isang taon, 1% kahit isang beses sa isang taon, at 1% ang hindi nananalangin.

Isinagawa ang nationwide survey mula Dec. 10 hanggang 14 sa 1,200 respondents na 18-anyos pataas.

Inihayag din sa SWS na 38% ng kasali sa survey ang dumadalo sumisimba kahit nang isang beses o higit pa kada linggo.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews, na may sampling error margin na ±2.8%. RNT/SA