SWS: Pagkain ng mayorya ng mga Pinoy, ‘di home-produced

SWS: Pagkain ng mayorya ng mga Pinoy, ‘di home-produced

March 18, 2023 @ 2:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Napag-alaman sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong December 2022 na 58 porsyento ng pamilyang Pilipino ang nagsabing hindi home-produced ang kanilang pagkain, habang 41 porsyento ang nagsabing homegrown ang bahagi ng kanilang kinakain.

Sa mga nagsabing ang kanilang pagkain ay home-produced, opitong porsyento lamang ang naghayag na ito ay “big part” ng kanilang consumption, habang 34 porsyento ang nagsabing ito ay “small part,” batay sa survey results na ipinalabas nitong Biyernes.

Nangunguna ang crops bilang most common food sa lahat ng lugar, na sinundan ng livestock at isda.

Mas kaunti naman ang mga pamilya sa Metro Manila na nagsabing home-produced food ang kinakain kumpara sa ibang lugar.

Pinakamataas ang porsyento ng food-producing families batay sa crops sa Balance Luzon (91 percent), sinundan ng Visayas (85 percent), Mindanao (84 percent), at Metro Manila (82 percent).

Sinundan ito ng livestock– pinakamataas sa Mindanao (52 percent), sinundan ng Visayas (40 percent), Balance Luzon (35 percent), at Metro Manila (27 percent).

Ikatlo naman ang isda bilang most common home-produced food sa lahat ng lugar– Visayas (8 percent), Balance Luzon (7 percent), at Mindanao (5 percent).

“Conversely, more families in Metro Manila (96 percent) say that none of their food is home-produced compared to Balance Luzon (57 percent), the Visayas (48 percent), and Mindanao (48 percent),” anang SWS.

Mas maramingpamilya sa rural areas ang may home-produced food kumpara sa mga taga-urban areas

Isinagawa ng SWS conducted ang 2022 fourth quarter nationwide survey mula Dec. 10 hanggang 14 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults, 18-anyos pataas. RNT/SA