3 pang barangay sa San Juan City, drug-free na!

February 9, 2023 @1:20 PM
Views: 3
MANILA, Philippines- Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong barangay sa San Juan City na kinabibilangan ng West Crame, San Perfecto, and Batis na drug-free, dahilan para kilalanin ang San Juan na unang lungsod sa National Capital Region (NCR) kung saan lahat ng barangay nito ay drug-cleared ng PDEA.
Dumalo sa pagkilala sina PDEA regional director Emerson R. Rosales at San Juan City Mayor Francis Zamora. Danny Querubin
SC: VAWC pwedeng gamitin ng mga ama vs abusadong nanay

February 9, 2023 @1:13 PM
Views: 11
MANILA, Philippines- Idineklara ng Supreme Court na maaring humingi ng protection at custody orders ang mga ama laban sa ina ng kanilang anak na lumabag R.A 9262 o Violence Against Women and Children Act (VAWC Law).
Sa makasaysayang desisyon, iginiit ng SC en banc na ang mga nanay na umaabuso sa kanilang anak ay maituturing na offenders sa ilalim ng Anti- Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act at maaring magpasaklolo ang ama gamit ang naturang batas sa ngalan ng anak.
Nilinaw ng Supreme Court na bagama’t hindi sakop ng batas ang mga ama, hindi nangangahulugan na hindi ito maaring gamitin ng lalaki laban sa asawa na nagkasala.
“While the VAWC Act excludes men as victims, this does not mean the law denies a father of its remedies solely because of his gender or the fact that he is not a ‘woman victim of violence.’ The Court held that Section 9(b) of the VAWC Act explicitly allows ‘parents or guardians of the offended party’ to file a petition for protection orders,” nakasaad sa 18 pahinang desisyon ng SC.
Iginiit ng korte na saklaw sa VAWC Act ang mga sitwasyon na ang mismong ina ang nakagawa ng karahasan at pang-aabuso sa anak.
“The fact that a social legislation affords special protection to a particular sector does not automatically suggest that its members are excluded from violating such law,” ayon sa desisyon.
Binigyan-diin ng Korte Suprema na hindi kailanman ito magiging instrumento ng kawalan ng hustisya at kalokohan para sa mga gumagawa ng pagkakasala sa mahihinang sektor gaya ng mga bata. Teresa Tavares
Terrorist tag sa CPP NPA pinaaalis ng Makabayan Bloc

February 9, 2023 @1:00 PM
Views: 19
MANILA, Philippines- Isang House Resolution ang inihain sa Kamara ng Makabayan Bloc na humihiling na alisin na ang terrorist tag sa mga leftist organizations gayundin ang hiling nito na ibalik na ang peace talk.
Sa inihaing House Resolution 756 ay umapela sina ACT Teachers Partylist France Castro, Gabriela PartyList Rep. Arlene Brosas at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel sa Anti-Terrorism Council na tanggalin na ang pagtukoy bilang terorista sa Communist Party of the Philippines (CPP),New People’s Army (NPA) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Iginiit ng tatlong mambabatas na ang pagtanggal sa terrorist tag ay “prelude” o bilang pagumpisa na ng gagawing peace talk.
Matatandaan na ang peace talk sa pagitan ng gobyerno at makakaliwabg grupo ay natigil noong 2018 sa termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Be it further resolved that the Government of the Philippines restart peace negotiations with the NDF with the aim of achieving just and lasting peace through negotiated binding agreements that will institute social, economic, and political reforms to address the roots of armed conflict,” nakasaad sa resolusyon.
Sinabi ni Castro na sa kasaysayan ay napatunayan na ang peace negotiations ay epektibong paraan para sa kaayusan sa pagitan ng eftist groups at umaasa ito na sa kasalukuyang administrasyon ay matatamo ang hangad kapayapaan.
“Such ‘terrorist tagging’ is used to justify government suppression of constitutionally protected rights and liberties, including freedom of expression, freedom of the press, freedom of association, freedom of assembly, and academic freedom, and is often followed by state surveillance, harassment, arrest and prolonged detention on trumped-up charges, enforced disappearances, and extrajudicial killings,” dagdag pa ni Castro. Gail Mendoza
Cristy, rumesbak kay Willie!

February 9, 2023 @12:55 PM
Views: 8
Manila, Philippines – Hindi man tinukoy ni Willie Revillame ang ilang pinaringgang personalidad sa kanyang mahabang litanya sa programa niyang Wowowin ay isa roon ang pumiyok.
Cristy Fermin took to her radio program Cristy Ferminute on Radyo Singko her reaction to Willie’s backlash.
Isa kasi si Cristy sa laman ng blind item ni Willie na malapit sa kanya na niregaluhan niya ng condo unit sa Wil Tower at brandnew na sasakyan pero tinawag daw siyang mayabang.
Dagdag pa ni Willie, pinaunlakan din niya ang pabor ng taong ‘yon na tulungan ang ilang mga reporter noong panahon ng pandemya, na binigyan naman ng TV host ng sampung libong piso kada buwan.
Ayon kay Cristy, tumawag daw siya kay Willie para tanungin kung napanood daw ba nito ang February 6 and February 7 episodes ng kanyang radio program.
Depensa ni Cristy, sa kabuuan kasi ng show ay hindi niya siniraan si Willie.
Inamin ni Willie na hindi niya mismo napanood ang mga nasabing episode.
Palagay ni Cristy ay nasulsulan si Willie ng mga taong nakapalibot sa kanya na takot magutom kapag wala na ang mga ito sa kanya.
Inisa-isa ni Cristy ang mga bagay na isinusumbat sa kanya ni Willie.
Pagdating sa condo unit, sumumpa si Cristy na minsan lang daw niya itong napuntahan.
Mangyaring tanungin daw ni Willie ang guwardiya ng Wil Tower.
Sa isyung pamimigay naman ng tulong sa mga reporter, dumepensa si Cristy sa pagsasabing panahon ‘yon ng pandemya, kung kailan nangangailangan ng tulong ang mga ito.
Ipinamukha ni Cristy kay Willie na huwag na lang tumulong kung isusumbat din lang niya ito pagdating ng panahon.
Ang mga reporter ding ‘yon din naman ang takbuhan ni Willie para ipagtanggol siya.
On the car issue, iginiit ni Cristy na katas ‘yon ng pinagtrabahuhan niya sa halip na pera ang hingin niyang kapalit.
Inuudyukan nga raw ni Boss Vic del Rosario ng Viva si Cristy na dapat ay nangongomisyon ito ng 20% sa mga tulong na ipinagkaloob nito kay Willie.
Naging instrumento kasi si Cristy kung bakit nakapasok si Willie sa TV5.
Bilang pagtanaw ng utang na loob, pinamili raw ni Willie si Cristy kung ano ang gusto nito: pera o kotse.
Pinagmatigasan ni Cristy na kapwa sila ni Willie ang walang utang na loob na dapat tanawin sa isa’t isa, “Nagkatulungan tayo. Wala akong utang na loob sa iyo, wala ka ring utang na loob sa akin.”
Cristy reiterated that it was not her intention to discredit Willie kung kaya’t nagsasalita siya sa kanyang programa.
Aniya, “Gusto kong malaman mo, Willie Revillame, ang kaibahan ng pagmamahal at pagmamalasakit.”
Bago raw nagtapos ang pag-uusap nila sa telepono’y tinanong ni Willie si Cristy, “Mahal mo pa rin ba ako?”
Basta ang paniniyak ni Cristy sa kanya, hindi siya ang tipong nang-iiwan ng taong mahal niya.
“Ngayon ko pa ba naman iiwan si Willie sa ganoong sitwasyon? Kailangan niya ngayon ng kausap dahil tuliro siya.”
Binanggit din ni Cristy kung bakit walang kaalam-alam si Willie sa mga nagaganap sa AllTV.
Ayon naman daw kay Willie, walang kumakausap sa kanya.
Ilang beses na raw siyang tumatawag sa mga kinauukulan pero wala siyang makausap para maliwanagan siya. Ronnie Carrasco III
Engineer at pamangkin, pinagbabaril patay

February 9, 2023 @12:40 PM
Views: 20