Sylvia, nakatutok sa pagpoprodyus, goodbye acting na?

Sylvia, nakatutok sa pagpoprodyus, goodbye acting na?

July 16, 2022 @ 3:34 PM 1 month ago


Manila, Philippines – True to her promise, pahinga muna si Sylvia Sanchez sa paggawa ng mga teleserye.

But she won’t be idle the whole time.

Dahil kung time out muna ang premyadong aktres sa akting, nakatuon naman ang pansin niya sa pagpoprodyus ng pelikula.

Yes, aktres na, producer pa! This is what Sylvia hopes to be.

Ito ang dahilan kung bakit just recently ay nasa Cannes Film Festival siya.

Ang pakay niya roon ay para ibenta ang Hello Joe na pelikula ng anak niya and now Quezon City District 1 Congressman na si Arjo Atayde.

Nasa Cannes din si Sylvia para alamin kung anong klase ng pelikula ang patok sa international market.

Bilang film producer daw, she has to learn the ropes of the trade.

Sa ngayon daw, nakatapos na siya ng dalawang pelikula, two of which star her daughter Ria.

Ito ‘yung X Factor with Carlo Aquino and Jake Ejercito, at Lupa, Langit, Impiyerno tampok sina Kokoy de Santos at Kyle Echarri.

As far as Arjo’s legislative work daw is concerned, katuwang siya nito para maghatid ng tulong sa kanyang mga nasasakupan.

Ani Sylvia, ibinabalik lang nila sa tao ang tagumpay na natamo ni Arjo sa una nitong pagsabak sa pulika. Ronnie Carrasco III