Sylvia, namili ng mga gamit sa magiging apo!

Sylvia, namili ng mga gamit sa magiging apo!

March 7, 2023 @ 11:00 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Ayaw sabihin ni Sylvia Sanchez kung sino sa kanyang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde ang malamang ikasal sa nalalapit na hinaharap.

Common knowledge na magkasintahan sina Arjo at Maine Mendoza, at Ria at Zanjoe Marudo.

Nananatiling naka-zipper ang bibig ng premyadong aktres kung nag-seminar na sina Arjo at Maine bilang paghahanda ng kanilang pag-iisang-dibdib.

Pero binanggit ni Sylvia na klaro raw ang kundisyon niya sa mga anak.

That is, pag tumuntong na raw siya ng 50 anyos ay gusto na niyang magkaapo.

Sa kasalukuyan, Sylvia is half a century old: “Pero hindi ko sila minamadali.”

Ang comedic part nga lang doon, while she’s not rushing Arjo and Ria to get married and have kids ay may pinamili na raw na mga gamit ng apo si Sylvia.

Hindi naman binanggit ng aktres kung pambabae o panlalaki ang mga biniling gamit.
Gayunpaman, excited na raw siyang gampanan ang lola duties.

Nabanggit din ni Sylvia ang pagtuturo niya ng kanyang secret recipe sa mamanuganging si Maine.

Sa mga hindi nakakaalam, magaling sa kusina si Sylvia pero ayaw niya raw ibahagi ang kanyang mga recipe kahit sa mga kaibigan.

“Sabi ko sa mga friends ko, ipagluluto ko na lang sila. Kasi, kaming mga taga-Mindanao, mahilig kami sa lechon at ginamos. Dahil mura ang baboy sa amin, araw-araw kami kumakain ng lechon.”

Kaya ayaw niyang i-share ang kanyang signature recipe ay dahil legacy raw ‘yon na gusto niyang ipasa sa kanyang pamilya.

Aniya, “Kay Maine ko ituturo ang recipe ko.”

Dati nang may food business si Sylvia, pero kinailangan daw niyang bitawan ‘yon dahil hindi kaya ng work schedule niya.

From the looks of it, makakasundo ni Sylvia ang mga magiging manugang niya, and vice versa.

Hindi pa man, may mga gamit na ang magiging apo niya.

Pero kaninong anak niya kaya? Ronnie Carrasco III