Sylvia, wapakels sa mga basher ni Ria!

Sylvia, wapakels sa mga basher ni Ria!

January 23, 2023 @ 7:02 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – To this day, consistent si Sylvia Sanchez na hindi siya apektado ng mga basher.

“Suki” na kumbaga ang award-winning actress sa mga netizen whose only business they know is to bash people no end.

‘Yun daw ang kaligayahan ng mga ito, she might as well give what makes them happy.

Aniya, “Bakit magpapaaekto ako sa mga taong wala namang mukha?”

Mga troĺls ang mga tinutukoy ni Sylvia na kahit daw noong tumatakbong congressman sa Quezon City ang anak na si Arjo Atayde ay hindi na sila tinantanan.

At ang nagsilbi ngang sweet revenge nia sa mga ito ay nang manalo si Arjo.

Same thing with her daughter Ria na bina-bash dahil wala raw itong karapatan bilang White Castle Whisky Calendar Girl.

Chubby raw kaai si Ria.

Sylvia believes otherwise na may ibang pakahulugan sa salitang “sexy.”

Para raw sa kanya, sexy na maituturing ang isang babae kung maganda ang kalooban nito.

She justifies: “Kasi ang katawan to be sexy, idaan mo lang sa exercise. Mas gugustuhin ko naman ang voluptuous body na maganda ang ugali kesa sexy nga, pangit ang kalooban.”

Maging si Ria din daw ay pareho ang line of thinking.

Nang alukin daw ito bilang Calendar Girl ay agad niya itong sinunggaban, keber what other people might say.

Depensa pa ni Sylvia: “Masaya si Ria. Masaya kaming pamilya. May kasabihan ngang: ‘Pag inggit, pikit.’ Sorry, pero hindi kami apektado. Bakit ang ibang tao ang affected?” Ronnie Carrasco III