Synchronized clean-up drive sa Las Piñas ikinasa

Synchronized clean-up drive sa Las Piñas ikinasa

June 11, 2022 @ 10:15 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Itinakda ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang synchronized clean-up drive sa Hunyo 24 na isang pamamaraan upang mapigil ang pagkalat ng sakit na dengue sa lungsod.

Ito ay napag-alaman kay Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar matapos ang kanyang pagpupulong sa mga kapitan ng barangay at kanilang mga representante kabilang ang mga miyembro ng Health and Sanitation Office at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) in para sa preparasyon ng pagsasagawa ng synchronized clean-up drive sa buong lungsod.

Ipinaliwanag naman ng mga doktor ng City Health Office (CHO) na pinamunuan ni Dr. Juliana Gonzalez sa mga lumahok sa nabanggit na pagpupulong ang pagpapanatili ng 4S — Search and destroy, Seek early consultation, Self-protection measure, at Say No to indiscriminate fogging — na pamamaraan para makaiwas sa pagkalat ng dengue sa lungsod.

Sa pagpapaliwanag ng CHO ay ipinagpatuloy naman ni Las Piñas dengue coordinator Dr. Norberto Tiu Aguilar ang pagpapaliwanang sa mga residente kung ano ang dengue, papaano nakukuha ang sakit na ito ng isang tao, at kung papaano maiiwasan ang pagkalat nito sa lungsod.

Nanawagan din si Aguilar sa mga punong barangay na hikayatin ang mga konstituwente sa kani-kanilang lugar na nasasakupan na makibahagi sa isasagawang synchronized clean-up drive na gaganapin sa Hunyo 24 na sisira sa pinamumugaran ng mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue. James I. Catapusan