Syria nanawagan ng donasyon mula sa Pinas

Syria nanawagan ng donasyon mula sa Pinas

February 27, 2023 @ 7:28 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Humihingi ang Syrian government ng tulong at mga donasyon mula sa Pilipinas kasunod ng malakas na lindol na pumatay sa libong katao Syria at Turkey nitong buwan.

Ayon sa ulat, sinabi ng Syrian Arab Republic Embassy na maaaring padaanin ang mga donasyon sa he Philippine Red Cross na magsisilbong collection site.

Humihingi ng bansa ng mga donasyon mula sa local charitable foundations at non-government organizations gaya ng mga gamot, kumot, winter clothes, at tents na maaaring ipadala sa PRC Headquarters sa Mandaluyong.

Ito ay kasundo ng magnitude 7.8 lindol na tumama sa Syria at Turkey noong February 6, at magnitude 6.4 na tumama sa bansa noong February 20.

Lampas 50,000 na ang death toll sa parehong bansa.

Sinabi naman ni PRC Chairman and Chief Executive Officer Richard Gordon sna nakikipagtulungan na ang ahensya sa Syrian Embassy para sa mga donasyon.

Nauna nang humingi ng tulong ang Syria, at bilang tugon ay sinabi ng pamahalaan na magpapadala ito ng monetary donations sa bansa.

Magugunitang nag-deploy ang Pilipinas ng humanitarian team sa Turkey para tumulong sa rescue at relief efforts. Inaasahang makababalik ang team sa Pilipinas sa March 1. RNT/SA