Taal muling nagparamdam; 14 uga naitala

Taal muling nagparamdam; 14 uga naitala

February 23, 2022 @ 2:14 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Muling nag-alboroto ang bulkang Taal makaraang makapagtala ng labing-apat (14) na volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs  bukod sa pagyanig nakapagtala rin ng dalawa (2) hanggang limang (5) minute at dalawang (2) low-frequency na lindol ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs na ang aktibidad sa main crated ng bulkan ay pinangunahan ng pagtaas ng maiinit na volcanic fluid sa lawa nito na nagdulot ng mga plume na 900 metro ang taas na lumipad sa timog-kanluran.

Nabatid pa sa Phivolcs na patuloy na nakataas sa alert level 2 ang bulkang Taal at pinaalalahanan ang publiko na maaaring magdala ito ng biglaang pagsabog ng singaw o gas, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulation  o expulsion ng volcanic gas ng bulkan.

Kaugnay nito pinaalalahanan rin ng Phivolcs ang mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone o PDZ, ng bulkan lalo na sa paligid ng Main Crater at Daang Kastila fissure dahil sa banta ng pagsabog.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa civil aviation na abisuhan ang kanilang mga piloto na iwasang magpalipad ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa airborne ash at ballistic fragment mula sa biglaang pagsabog ng bulkan. Santi Celario