Taal nasusunog!

Taal nasusunog!

March 4, 2023 @ 1:41 PM 3 weeks ago


MAYNILA – Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nasusunog ang Bulkang Taal dahil sa nangyayarin grass fire doon.

Sinabi ni Dr. Teresito Bacolcol, Phivolcs director, na humingi na sila ng tulong sa Bureau of Fire Protection para maapula ang apoy.

Sa kabilang banda, siniguro naman niya na hindi pumutok ang bulkan.

Dagdag pa niya na dapat masiguro ng awtoridad na walang taong pumunta malapit sa nasusunog na bahagi. RNT