Taas-baba sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Taas-baba sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

November 4, 2022 @ 4:32 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Asahan na ang kapwa pagtaas at pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ng oil industry sources nitong Biyernes, Nobyembre 4 kung saan inaasahan ang bahagyang pagtaas sa presyo ng gasolina samantala pagbaba naman sa presyo ng diesel at kerosene.

“Magkakaroon ng kaunting pagtaas sa presyo ng gasolina na magre-range sa 45 centavos to P1 per liter,” pahayag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero kasabay ng public briefing.

Ito ay batay sa naging oil trading sa nakalipas na apat na araw.

Sa kabila nito, may inaasahan naman na rollback sa presyo ng diesel mula sa 60 sentimo hanggang 75 sentimo kada litro.

Ganito rin ang inaasahan sa kada litro ng kerosene sa 75 sentimo hanggang 85 sentimo na tapyas.

Ayon naman sa isa pang oil industry source, posibleng bumaba pa mula 60 sentimo hanggang 90 sentimo kada litro ang presyo ng diesel at pagtaas na 20 sentimo hanggang 50 sentimo sa kada litro ng gasolina.

Ayon kay Romero, ang pagtaas at pagbaba ng presyo sa mga nabanggit na produkto ay dahil sa demand sa kasagsagan ng winter season sa Northern Hemisphere countries at napaulat na production cut ng Organization of Petroleum Exporting Countries ngayong buwan.

Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang price adjustment tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw.

Matatandaan na nitong Martes, Nobyembre 1 ay natapyasan ang presyo ng gasolina sa P0.25 kada litro, P0.60 kada litro sa gasolina at P0.25 sa kada litro ng kerosene. RNT/JGC