Taas-hulog sa PhilHealth ipinatigil ni PBBM

Taas-hulog sa PhilHealth ipinatigil ni PBBM

January 3, 2023 @ 7:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniatas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang suspensyon ng bagong premium contribution rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang income ceiling para ngayong taon ng 2023.

Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas Bersamin, patuloy pa rin kasing nakikipagpambuno ang mga Filipino sa mga economic challenges sanhi ng COVID-19 pandemic.

Base sa dokumentong ipinalabas sa mga mamamahayag, sinabi ni Bersamin na gusto ni Pangulong Marcos na suspendihin ang nakatakdang pagtataas sa premium rate ng PhilHealth mula 4% ay magiging 4.5% na.

Sa joint statement, kapuwa welcome naman sa Department of Health (DOH) at PhilHealth ang desisyon ni Pangulong Marcos.

“The DOH and PhilHealth recognize the suspension is intended to help our kababayans cope with the increasing prices of commodities caused by inflation,” ayon sa DoH at PhilHealth.

Ang paliwanag ng DoH, ang premium contributions ay kinokolekta ng PhilHealth para tustusan ang ekspansyon o pagpapalawak sa benepisyo alinsunod sa Universal Health Care law.

Idinagdag pa nito na ang pagbabago sa premium schedules ay “synched with planned benefit roll-outs.”

Hangad din aniya ng Chief Executive Marcos na i- block ang pagtataas sa salary ceiling mula ₱80,000 na magiging ₱90,000.

“In light of the prevailing socioeconomic challenges brought about by the COVID-19 pandemic, and to provide financial relief to our countrymen amidst these difficult times, please be informed that the President has directed the PhilHealth to suspend the abovementioned increase in premium rate and income ceiling…,” ang nakasaad sa dokumento.

Ang kautusan ay tinintahan ni Bersamin at naka- addressed kina Department of Health Officer In Charge Maria Rosario Vergeire at PhilHealth Acting President and CEO Emmanuel Ledesma, Jr. Kris Jose