Taas-kompensasyon sa heinous crimes victims, maling pagkakakulong oks sa DOJ

Taas-kompensasyon sa heinous crimes victims, maling pagkakakulong oks sa DOJ

September 7, 2021 @ 8:13 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Justice (DOJ) ang pag-amyenda sa batas na nagbibigay ng mas mataas na kompensasyon sa mga biktima ng heinous crimes at ‘unjust imprisonment’.

“The DOJ will give its full support for the amendment of RA 7309 to increase the amount of compensation. The law was enacted in 1992 and the value of the award has not kept up with the changing times,” ani DOJ sec. Menardo Guevarra.

Nakatakdang pagsamahin ng Kamara ang mga panukalang amyendahan ang RA 7309 na inihain nina Quezon City 4th District Rep. Jesus Suntay, Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan, Makati 2nd District Rep. Luis Campos, Sorsogon 1st Distric Rep. Evelina Escudero at Davao del Sur Lone Diatrict Rep. Mercedes Cagas.

Nabatid ma mula sa P18.66 million noong 2018 ay nasa P7.80 million na lamang ang binayaran ng Board of Claims noong 2019.

Marami kasi anilang aplikante ang nawawalan ng ganang magpa-qualify sa kompensasyon dahil sa mahaba at nakakapagod na proseso.

Kabilang sa mga ipinapanukalang pagbabago ay ang pagtataaas ng kompensasyon para sa mga biktima ng unjust imprisonment sa P5,000 mula sa kasalukuyang P1,000 kada buwan.

“The amount provided in the law is not relevant considering the present economic conditions,” katwiran ni Suntay.

Sa ilalim ng batas, kabilang sa maaaring maghain ng kompensasyon ay ang mga hindi makatarungan na inakusahan, nahatulan at nakakulong ngunit pagkatapos ay pinalaya sa bisa ng isang hatol na mapawalang-sala; hindi makatarungang ikinulong at pinalaya nang hindi nakasuhan, mga biktima ng arbitrary o illegal detention ng awtoridad; at mga biktima ng violent crimes gaya ng rape, salang nagresulta sa pagkamatay o serious physical at/o psychological injuries, permanent incapacity o disability, pagkabaliw, abortion, malubhang trauma at salang may labis na kalupitan, kabastusan at torture. RNT