Taas-kontribusyon sa Pag-IBIG pormal nang ipinagpaliban

Taas-kontribusyon sa Pag-IBIG pormal nang ipinagpaliban

March 7, 2023 @ 8:08 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – IPINAGPALIBAN ng Pag-IBIG Fund ang ikakasa na sanang monthly contribution hike para sa mga miyembro nito ngayong taon.

Ito’y matapos na opisyal na aprubahan ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees ang pagpapaliban sa contribution hike na ikakasa na sana ng ahensiya para ngayong taon.

Ang dahilan, patuloy pa ring bumabawi ang mga manggagawa at business owners mula sa pandemya.

Sinabi ni Secretary Jose Rizalino Acuzar, pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, na nagkaisa silang aprubahan ang rekumendasyon ng Pag-IBIG Fund Management na ipagpaliban ang umento sa monthly contributions ng mga miyembro nito ngayong taon.

Pinagtibay ang naunang anunsyo ng ahensiya na ipatupad ang dagdag sa kontribusyon sa Enero ng susunod na taon. Kasama rin sa ipinagpaliban ang share ng kanilang mga employer.

“This is in line with the call of President Ferdinand Marcos Jr. to alleviate the financial burden of our fellow Filipinos due to the prevailing socio-economic challenges brought about by the Covid-19 (coronavirus disease 2019) pandemic,” ani Acuzar.

Taong 2019, inaprubahan ng mga opisyal ng ahensya ang pagdaragdag sa monthly contributions matapos makuha ang pagsang-ayon ng mga stakeholders na magpatupad ng planong contribution increase noong 2021.

Noong panahon na iyon, nakita ng ahensiya na mahalaga ang dagdag sa kontribusyon dahil ” it projected that the amount of loans disbursed will eventually outpace the total collections from both loan payments and members’ contributions.”

Gayunman, kinilala ang epekto ng pandemiya sa mga miyembro at business community, nagdesisyon ang Pag-IBIG Fund na ipagpaliban sa pangatlong magkasunod na taon ang dagdag sa contributions rates na nananatiling hindi nagbabago simula pa noong 1986.

Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Marilene Acosta na ang robust fiscal standing at malakas na koleksyon ng ahensiya mula sa mga miyembro nito ang dahilan para mas makaipon ang ahensiya sa ilalim ng Regular at MP2 Savings programs, pinapayagan nito na tugunan ang lumalaking loan demand ng mga miyembro nang walang contribution rate increase ngayong taon.

“Our strong financial position shall allow us to again postpone the increase in our contribution rates for a year. We are happy to report that even without any increase in our rates, we were able to post record-highs in 2022 with our membership savings collections reaching nearly PHP80 billion, loan payment collections amounting to PHP127.42 billion, short-term loan releases at 57.69 billion and home loan takeout amounting to PHP117.85 billion,” ayon kay Acosta.

“And, with the continued trust and support of our members, the business community and housing industry partners, we look forward to achieving another banner year for Pag-IBIG Fund in 2023 despite not increasing our contribution rates for the 37th consecutive year,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose