Taas-pasahe sa LRT-1, LRT-2 nakaumang

Taas-pasahe sa LRT-1, LRT-2 nakaumang

January 12, 2023 @ 7:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panukalang pagtaas ng pamasahe sa LRT-1 at LRT-2.

Ito ay makaraang payagan ang karagdagang P2.29 boarding fare at 21 centavos para sa bawat kilomentro ng parehong LRT lines.

Ang pamasahe sa pagitan ng Roosevelt at Balintawak stations sa LRT-2 ay P15 para sa mga gumagamit ng stored value cards o P20 para sa mga gumagamit ng single journey tickets.

Ang pamasahe naman sa pagitan ng Recto Hanggang Legarda stations sa LRT-1 ay P12 para sa stored value card users o P15 para sa single journey ticket users.

Kailangang aprubahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagtaas ng pamasahe para maipatupad ang mga ito.

Sinabi naman ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na malaki ang demand pero tumataas din ang gastos.

Ang huling pagtaas ng pamasahe para sa mga tren ng LRT ay ipinataw noong 2015.

Nauna rito, sinabi ni Bautista na panahon na lamang para taasan ang pamasahe sa sistema ng tren.

Ang huling pagtaas ng pamasahe para sa mga tren ng LRT ay ipinataw noong 2015.

Nauna rito, sinabi ni Bautista na panahon na lamang para taasan ang pamasahe sa train system. Jocelyn Tabangcura-Domenden